DAVAO CITY – Libu-libong deboto ang dumagsa sa Shrine Hills, Matina sa lungsod ng Davao, para sa pagdiriwang ng kapistahan ng Sto. Niño.
Nagsimula bandang 5:30 ng umaga ang prusisyon ng imahen ng Sto Niño at dinaluhan ng mahigit 500 deboto.
Sa katunayan, karamihan sa mga nagsalita kanina ay mga matatanda, mayroon ding mga kabataan na kahit napakaaga ay ipinahayag pa rin nila ang kanilang pagmamahal sa Holy Infant Jesus of Prague.
Ang nabanggit na prusisyon ay sinundan ng Novena, nagsimula ito bandang 6:45 at pagkatapos ay sinundan ng Banal na Misa alas-siyete ng umaga.
Kamakailan lang ay natapos din ang Banal na Misa bandang alas-8, na sinundan ng ikalawang Novena.
Ayon sa isang deboto na nagpasalamat siya sa makapangyarihan sa magandang panahon, dahil ngayon ay hindi na masyadong mainit.
Mahigpit ang seguridad sa nasabing lugar, pagpasok pa lang sa Matina ay may mga pulis na pati kasundaluhan kasama na ang mga taga CTTMO at BFP.
Pagdating sa harapan ay nagkalat din ang mga otoridad pati pagpasok nila ay isa-isang tinitingnan ang mga bag para masigurong walang makapasok na lumalabag sa mga ipinagbabawal gaya ng matutulis na bagay, lalagyan ng tubig na transparent pati na rin ang mga naka-jacket.
Sa kasalukuyan wala namang natalang naglabag sa nasabing palisiya.