-- Advertisements --

CAUAYAN CITY – Umabot sa walong libong ektarya ng mais sa buong Region 2 ang naapektuhan ng nararanasang tagtuyot.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Regional Executive Director Narciso Edillo ng DA Region 2, sinabi niya na ang mga pangunahing naapektuhan ay ang mga nahuling nagtanim ng mais.

Ang mga magsasakang naapektuhan ay ang mga nagtatanim ng mais sa gilid ng Cagayan River.

Ayon kay Regional Director Edillo, gumagawa na sila ng paraan para sila ay matulungan dahil karamihan sa kanila ay hindi kasama sa crop insurance ng DA.