-- Advertisements --
staples center bryant kobe

Bumuhos ang libu-libong mga fans at supporters ni NBA legend Kobe Bryant sa harap ng Staples Center sa Downtown Los Angeles, California kasunod ng balitang pagkasawi at ng anak nitong si Gianna.

Hollywood sa pagpanaw ng The Black Mamba: ‘Gone too soon’
‘Kobe Bryant napakapropesyunal, walang kaarte-arte kapag kausap’ – sports columnist
Basketball great Michael Jordan nagluluksa sa pagpanaw ng kanyang ‘little brother’
NBA legend Kobe Bryant at 13-anyos na anak, kasama sa 9 namatay sa helicopter crash sa California

Ito ay makaraang bumagsak ang sinakyang helicopter sa Calabasas, California kaninang madaling araw.

Sa ulat sa Bombo Radyo ni international correspondent Jun Villanueva mula sa LA, sinabi niya na agad nagtungo ang ilang mga fans ni Kobe sa harap ng Staples Center kung saan tahimik na nagdalamhati ang mga ito.

Dumami aniya ang mga nagtungo sa harap ng multi-purpose arena para ipakita at ihayag ang kanilang pagdalamhati sa pagpanaw ng retired NBA star.

kobe bryant staples center

Nagsindi ang mga ito ng mga kandila, nag-iwan ng mga bulaklak, cards, jerseys, magazines kung saan si Kobe ang cover at bandila ng LA Lakers kasabay ng kanilang pagsambit ng salitang “Kobe” at “MVP.”

Mababasa sa mga cards at mga bouquet ang pagmamahal ng mga fans sa mag-ama at ang pasasalamat sa pagiging role model ng mga ito.

Nagkataon pa na isinagawa din sa Staples Center ang taunang Grammy Awards.

Samantala, nag-alay din ng mga bulaklak at kandila ang mga fans ng tinaguriang Black Mamba sa labas ng Mamba Sports Academy sa Thousand Oaks, California kasabay ng kanilang impromptu memorial para sa nasawing legend ng basketball.

alicia keys grammy kobe