Nakahanda ang libu-libong fighters mula sa grupong suportado ng Iran sa Middle East na magtungo sa Lebanon para samahan ang militanteng Hezbollah para labanan ang Israel sakali man sa sumiklab ang all-out war.
Ito ay matapos na magbanta ang Israeli officials na maglulunsad ng military offensive sa Lebanon kapag walang pinal na negosasyon para paalisin ang Hezbollah mula sa border.
Sa isang talumpati naman, sinabi ni Hezbollah leader Hassan Nasrallah na nauna ng nag-alok ang mga militanteng lider mula sa Iran, Iraq, Syria, Yemen at iba pang bansa na magpadal ng libu-libong fighters para tulungan ang Hezbollah subalit sinabi nito na marami na silang mandirigma na nasa mahigit 100,000 fighters.
Inihayag din ni Nasrallah na sa kasalukuyan porsiyon pa lamang ng buong pwersa ng kanilang grupo ang kanilang ginagamit partikular na ang mga specialized fighters na naglulunsad ng missiles at drone attack.
Subalit maaari aniya itong magbao sakaling sumiklab ang all-out war kung saan nauna na nitong sinabi noon ang posibilidad na magiging kakampi nila ang fighters ng nasabing mga bansa sakaling mang magkaroon ng giyera.
Samantala, kinumpirma naman ng Amerika na magbibigay ito ng suporta sa Israel sakali man na sumiklab ang all-out conflict sa pagitan nila ng Hezbollah na kaalyado at di hamak na mas malakas kesa sa Hamas.