-- Advertisements --

VENICE – Libu-libong katao ang nagtungo sa mga kalsada sa Venice nitong Sabado (local time) upang ipanawagan ang pag-ban sa mga malalaking cruise ships sa siyudad.

Ito’y kasunod ng banggaan ng malaking vessel at isang tourist boat sa nasabing lungsod noong nakaraang linggo, na nag-iwan ng apat na sugatan.

Ayon sa Italian media, nasa 5,000 ralyista ang nagmartsa sa siyudad bitbit ang mga slogans kung saan nakasulat ang kanilang panawagan.

“These giants must leave the lagoon. They’re incompatible with the delicate balance of the ecosystem and dangerous for the city,” pahayag ng presidente ng local municipality ng Marghera, na si Gianfranco Bettin.

Ang nasabing demonstrasyon ay inorganisa ng grupong “No Big Ships” kasunod ng insidente noong nakaraang Linggo kung saan pumalya ang makina ng 13-deck na MSC Opera, dahilan kaya ito kumiskis sa dockside at bumangga sa isang luxury tourist boat. (AFP)