CAUAYAN CITY – Nakumpiska ng mga miyembro ng Task Force African Swine Fever sa boundary ng Ilagan City at Gamu, Isabela ang 75 na karton ng mga frozen meat products mula sa Quezon City sa kabila ng umiiral na total ban sa Isabela.
Ang tinatayang 7,000 na kilo longganisa at siomai ay ibinaba ng tatlong magkakasunod na biyahe ng Dalin Bus na patungong Tuguegarao City.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauyan kay Ilagan City Agriculture Officer Moises Alamo, sinabi niya na tinatayang nasa 80 hanggang 100 kilo ang laman ng isang kahon.
Ayon kay Ginoong Alamo, naghinala sila na sa bus ipinapadala ang mga frozen pork by products matapos na wala silang makitang katulad na produkto sa mga refigerated van na kanilang sinusuri.
Kinukunsulata na nila ang NMIS region 2 kung ano ang paglabag ng bus company na nagpasok ng frozen meat products sa isabela sa kabila ng Executive order na ipinalabas ni Gov. Rodito Albano na nagbabawal sa pagpasok mula sa ibang lalawigan ng mga baboy at pork products para maiwasan na makaspok ang African Swine Fever.