Nagtipun-tipon ang libu-libong Korean protesters sa labas ng National Assembly sa Seoul, South Korea ngayong araw ng Sabado, Disyembre 14.
Ito ay sa gitna ng botohan para sa ikalawang pagtatangka para sa impeachment ni South Korean President Yoon Suk Yeol matapos na mabigo ang naunang attempt noong nakalipas na Sabado, Disyembre 7 makaraang mag-walk out at i-boycott ng mga mambabatas mula sa ruling party na People Power Party ang botohan.
Base sa Seoul Police official, nasa tinatayang 200,000 katao ang nagtipon sa labas ng parliament para suportahan ang pagsibak sa pwesto kay Pres. Yoon
Sa ibang parte ng kabisera ng South Korea na Gwanghwamun Square, nagtipon din ang nasa tinatayang 30,000 mga tagasuporta ni President Yoon para ipakita ang kanilang suporta sa Pangulo na umaawit ng patriotic songs at iwinawagayway ang bandila ng South Korea at Amerika.