CAUAYAN CITY – Puntirya ng City Agriculture Office na maipasakamay sa mga magsasaka sa Ilagan City ang mga ayuda na mula sa Department of Agriculture (DA) bago ang planting season.
Nagsimula ang pamamahagi ng mga ayuda na mula sa iba’t ibang mga programa ng DA para sa mahigit 10,000 mga magsasaka sa lungsod tulad ng libreng pataba at binhi.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay City Agriculturist Moises Alamo ng Ilagan City, sinisikap ng kanilang tanggapan na maibigay ang mga ayuda sa mga magsasaka sa lalong madaling panahon upang kanilang magamit sa darating na taniman.
Aniya, dahil sa malawakang pagbaha sa lunsod ay hindi nakaligtas ang mga pananim ng mga magsasaka at ang ilan ay hindi na mapapakinabangan pa.
Dahil dito, sisikapin ng pamahalaang lunsod na gumawa ng mga alternatibong pamamaraan upang matulungan ang mga magsasaka na maiangat ang estado ng kanilang pamumuhay.