-- Advertisements --

CAUAYAN CITY – Patuloy ang ginagawang paglilista ng City Agriculture Office ng mga magsasakang mabibigyan ng Libreng Fertilizer sa cauayan City.

Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Engr. Ricardo Alonzo, City Agriculturist ng Cauayan, hinimok nito ang mga magsasaka na nakatanggap ng libreng binhi ng palay na isumite sa naturang tanggapan ang mga resibo sa pagbili ng abono at ang sako ng binhi upang makumpleto na ang mga kinauukulang dokumento sa pamamahagi ng libreng abono.

Tinatayang 7,000 magsasaka ng palay sa Cauayan City ang puntiryang mabigyan ng mga libreng abono.

Dahil sa failure of bidding, kaya sa pamamagitan na lamang ng super cooperative ng provincial government ng Isabela ang pamamahagi ng abono sa mga magsasaka.

Sa ngayon ay wala pang araw kung kailan maibibigay ng mga nasabing libreng abono sa mga magsasaka.

Umaasa si Eng’r. Alonzo na makakaabot pa sa panahon ng pag-aabono ang pagdating ng mga inorganic fertilizer na mga urea sa mga magsasaka sa lunsod.