CAUAYAN CITY- Makakatanggap na ng indemnity claims sa Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC) ang libu-libong magsasaka ng palay at mais sa Cauayan City na nasiraan ng pananim noong mga nagdaang kalamidad.
Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan, Libu-libong magsasaka ang apektado at nasiraan ng pananim na palay at mais bunsod ng nagdaang bagyo at pagbaha na naranasan ng Cauayan City.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay City agriculturist Eng’r. Rocardo Alonza ng Cauayan City Agriculture Office, sinabi niya na nagsimula na ang mga kawani ng PCIC sa pamamahagi ng Indemnity check noong nakaraang linggo.
Aniya, nauna ng naibigay ang indemnity claims sa mga magsasaka sa mga barangay ng Maligaya, Baculod, Villa Conception, Sta Maria, Rugos,Villa Flor, De Vera, Disimuray, Buyon, Manaoag, Gappal,at Dianao.
Nakatakda namang makatanggap ng indemnity check ang mga magsasaka sa mga barangay ng Villa Luna, Carabatan Chica, Mabantad, Nagcampegan, Carabatan Punta, Bacarenio, Bugallion, Casalatan, Sinippil, Union, San Luis , San Pablo, at Cabugao.
Pinayuhan ang mga magasaka na tatanggap indemnity check na magdala ng valid ID,magsuot ng facemask at face shield mahigpit namang ipinagbabawal ang proxy o pagbibgay ng autorization letter.