Libu-libong mga mexicano ang nag-rally sa plaza ng Mexico City kasama si Pangulong Claudia Sheinbaum upang ipagdiwang ang desisyon ng Estados Unidos na ipagpaliban ang pagpataw ng taripa sa sa Mexico.
Habang hawak ng mga ito ang malalaking mga watawat ng Mexico at sabay-sabay na sumisigaw ng ”Igalang ang Mexico!” habang pinapalakpakan si Mexico President Sheinbaum.
Ang naturang rally ay naganap ilang araw matapos ipahayag ni US President Donald Trump ang ang isang buwang pagpapaliban matapos ipataw nito ang 25% na taripa sa lahat ng import product ng Mexico.
Bagamat nagplano si Sheinbaum ng mga hakbang na maaaring labanan ang banta ng taripa ngunit pinili niya na magsagawa ng isang malawakang rally.
Una na rito, sinabi ng mga analyst na patuloy na banta ang posibilidad ng pagpataw ng taripa sa Mexico na makakaapekto sa mga gustong mamuhunan sa bansa at maaaring magdulot ng pag-baba ng Gross Domestic Product (GDP) ng Mexico ng higit sa 1%.