-- Advertisements --
ILOILO CITY – Ipinag-utos ng Police Regional Office (PRO)-6 ang pagsasailalim sa drug test ng libo-libong mga pulis sa Western Visayas.
Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay PLt. Col. Joem Malong, spokesperson ng PRO-6, sinabi nito na ang nasabing hakbang ay kasunod ng pagpositibo sa methamphetamine o shabu ng urine sample ng dalawang pulis sa isinagawang random drug test.
Ayon kay Malong, kaagad na ni-relieve sa tungkulin ang mga pulis na may ranggong chief master sergeant at corporal.
Nais naman ni PRO-6 Director PBGen. Rolando Miranda na masibak sa serbisyo ang mga pulis na nagpositibo sa drug test.