Napuno ang kalsadahan sa Buenos Aires nang idaos ang 28th annual pride parade ng LGBTQI community doon.
Layon ng nasabing parada na ipagdiwang ang kanilang pagkakaiba-iba at isulong ang kanilang karapatan bilang miyembro ng nasabing grupo.
Nagmartsa ang mga kasali sa parada papunta sa kanilang National Congress habang tinatahak ang Avenida De Mayo street dala-dala ang mga makukulay na pride flags na sinamahan pa ng naglalakihang floats.
Hinihiling ng mga nagmamartsa na gumawa ang kanilang kongreso ng mga batas, gaya na lamang ng pagsasalegal ng aborsiyon, pagpupuksa sa sexism, racism, at xenophobia, pati na rin ang pagpapatupad ng isang komprehensibong kurikulum sa sex education.
Noong March 1992 ay ginanap ang kanilang unang pride parade na dinaluhan lamang ng 300 katao. Matapos nito ay taun-taon na itong ipinagdiriwang at aasahan umano na mas marami pa ang lalahok sa mga susunod na taon.