CAUAYAN CITY – Nasa 50,000 seedlings ng fruit bearing trees at hard wood trees ang tinupok ng malaking apoy na sumiklab sa isang forest area sa bayan ng Dupax Del Norte, Nueva Vizcaya pangunahin na sa national greening program area sa Purok Ipil-Ipil Brgy. Buggiao.
Sa naging panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay SFO4 Richard Pataweg, Municipal Fire Marshall ng Dupax Del Norte, Nueva Vizcaya, kanyang sinabi na sa kabila na natukoy na nila ang responsable sa naganap na forest fire sa lugar ay pinili na lamang nitong hindi pangalanan ang mga pinaghihinalaan .
Maari umanong sinadya ang sunog na sumiklab sa lugar na ginawa ng mga pinaghihinalaan na anyay mga residente rin malapit sa lugar
Patuloy pa rin ang imbestigasyon dahil sa pagsisisihan ng Grupo ng mga Private land Owners at mga kawani ng National Greening Program o NGP.
Naapula naman umano ng mga kawani ng NGP ang unang pagsiklab ng apoy at napag-alamang saka lamang humingi ng saklolo sa BFP Dupax Del Norte ang mga ito nang malamang out of control na ang sunog na tumupok sa halos apatnapong ektaryang taniman ng mga punong kahoy at mga namumungang kahoy ng NGP.
Nasa limampong libong seedlings naman ang tuluyang naabo kabilang ang fruit bearing trees na nasa sampong libong piraso at premium trees na kinabibilangan ng Tagat at Narra na nasa apatnapong libong piraso.