-- Advertisements --
image 519

Inaasang libu-libong overseas Filipino workers ang magbebenipisyo sa planong pagpapalawig ng South Korea sa Employment Permit System nito para sa skilled workers.

Sa ilalim ng sistemang ito, ayon kay Philippine Ambassador to South Korea Maria Theresa Dizon-De Vega, mabibigyan ng pagkakataon ang isang trabahante na magkaroon ng panibagong kontrata na mas mahaba kumpara sa naunang kontrata.

Sa kabila nito, kailangan pang i-assess kung deserve ba o nararapat na mabigyan ng mas mahaba pang kontrata ang isang manggagawa.

Ayon pa sa PH envoy, isa sa tinitignan ding requirements ay ang language proficiency o pagiging matatas sa lingwahe ng SoKor.

Nasa mahigit kalahati ng tinatayang 63,000 Pilipinong manggagawa sa South Korea ang napaulat na saklaw sa naturang programa.

Maliban pa sa factory workers, pinaplano din ng South Korea na mag-hire ng domestic workers mula sa Pilipinas na inaasahang magbubukas sa pamamagitan ng pilot study sa mga susunod na buwan.

Top