-- Advertisements --

ILOILO CITY – Stranded ang libo-libong mga pasahero sa Iloilo Ferry Terminal Parola na papunta sa Lalawigan ng Guimaras matapos tuluyan ng binasura nga Maritime Industry Authority (MARINA) ang renewal ng franchise ng mga motorbanca.

Napag-alaman na matapos ang nangyaring Iloilo Strait Tragedy kung saan 31 ang nasawi, nagbigay ng palugit ang MARINA sa mga operators na palitan ang wooden hulled motorbanca ng fiberglass.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Iloilo kay Guimaras Gov. Dr. Samuel Gumarin, sinabi nito na malaking abala ang nangyaring pagka-stranded ng mga pasahero via Guimaras-Iloilo City and vice versa.

Nanawagan naman ang gobernador sa national government na bigyan ng konsiderasyon ang mga pumpboat na yari sa kahoy na makapaglayag lalo na ngayong pandemya.