-- Advertisements --
stranded port iloilo
Photo grab

ILOILO CITY – Libu-libong mga pasahero ang na-stranded sa ibat’ ibang port sa Iloilo dahil sa bagyo Tisoy.

Ito ay matapos na isinailalim ang Iloilo sa typhoon signal number 2.

Sa Dumangas port sa Dumangas, Iloilo at Iloilo Fastcraft Terminal sa Lapuz, Iloilo City, dalawang araw nang stranded ang mga pasaherong patungo sa Bacolod City.

Kanselado na rin ang klase sa pre-school hanggang senior high school sa lungsod at probinsya ng Iloilo.

Bukas naman 24/7 ang Iloilo City Emergency Operation Center kung saan nakabantay ang mga personnel ng iba’t ibang ahensya ng gobyerno.

Samantala, 35 mga barangay naman sa lungsod ng Iloilo ang itinuturing high risk barangay dahil madalas itong binabaha kapag umuulan.

Tiniyak naman ni Dr. Jerry Bionat, pinuno ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office na handa ang Iloilo Provincial Government sa lahat ng aspeto ng operasyon na kakailanganin ng mga apektadong residente.