-- Advertisements --
Diamond princess cruise ship japan yokohama
Support and prayers for M/V Diamond Princess guests and crew in Japan (photo grab from Princess Cruises FB)

Inamin ng isang malaking manning agency sa Pilipinas na may ilang mga cruise ships ang nagpalutang lutang na lamang sa ilang mga karagatan sa iba’t ibang dako ng mundo.

Ito ay makaraang maapektuhan ang mga operasyon ng mga cruise ship worldwide dahil sa health crisis dala ng COVID-19.

Ayon sa Magsaysay Maritime Corp. tinatayang aabot sa halos 10,000 mga Filipino seafarers ang kailangang ma-repatriate pabalik ng Pilipinas.

Sa isang panayam tiniyak ni Marlon Roño, executive chairman ng Magsaysay Maritime Corporation na kumilos na rin sila sa paghahanda sa mga chartered flights.

Malaking problema naman daw ngayon nila ay kung papaano ihahatid ang mga Pinoy crew na nagmula sa Visayas at Mindanao dahil sa umiiral na total lockdown sa Luzon.

Kung maaalala ang Magsaysay din ang ahensiya ng mahigit 400 tripulanteng Pinoy ng MV Diamond Princess na humimpil sa Japan matapos na maraming pasahero ang kinapitan ng virus.