-- Advertisements --

VIGAN CITY – Libu-libong mga residente pa rin sa Myanmar ang patuloy na nagproprotesta upang ihayag ang kanilang suporta sa dating administrasyon ni Aung San Suu Kyi at ang panawagan ng mga ito na mapalaya ang nasabing opisyal sa gitna ng kanilang takot na mahawaan sa Covid19.

Sa panayam ng Bombo Radyo Vigan kay Bombo International Correspondent Hein Thet Aung na taga-Myanmar at kabilang sa mga nagproprotesta, tatlong magkakasunod na araw na ang protesta kung kaya’t kitang-kita sa mga kalsada ang kumpul-kumpol na tao at hindi na pagsunod ng mga ito sa social distancing protocol.

Ang nasabing hakbang ay kasunod ng nangyaring kudeta sa nasabing bansa na naging sanhi ng pagkakakulong nga mga political leaders.

Aniya, nakahouse arrest ang mga government official ng nasabing bansa at umaasa silang maibalik ang dating administrasyon dahil hindi umano sila makakapayag na mamuhay sa kamay ng mga militar na namumuno ngayon sa nasabing bansa.