Nagsilikas na ang libu-libong residente sa southern Lebanon kasunod ng panibagong airstrikes na inilunsad ng Israel target ang militanteng Hezbollah.
Ang pangunahing highway palabas ng port city of Sidon ay napuno ng mahabang pil ng mga sasakyang patungo sa Beirut.
Hindi mabilang na mga sasakyan,vans at pick-up trucks ang nag-uunahang makatakas sa gitna ng pinapakawalang mga bomba mula sa himpapawid.
Nitong Lunes, nakatanggap ang mga mamamayan ng pre-recorded telephone calls mula sa Israeli military na nagsasabi sa kanila na lisanin na ang kanilang mga Bahay para sa kanilang kaligtasan.
Nauna na ring hinimok ni Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahi ang mga sibilyang mamamayan ng Lebanon na making sa panawagan ng Israel na lumikas na mula sa kanilang mga tahanan at huwag magpapagamit bilang human shields ng militanteng grupo.