-- Advertisements --

Namahagi ng family food packs ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) Eastern Visayas sa higit 1,100 pamilya o halos 4,000 indibidwal na binaha dahil sa matinding pag-ulan dulot ng shearline sa bayan nga Arteche, Eastern Samar.

Katuwang ng DSWD-8 ang Municipal Social Welfare and Development Office (MSWDO) at Municipal Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO) sa nasabing bayan kung saan ang bawat pamilya ay nakatanggap ng FFP.

Naglalaman ito ng bigas, gatas, at mga delata.

Nabatid na mula pa noong nakaraang linggo ang mga nararanasang pag-ulan sa Eastern Visayas.

Pero paglilinaw ng state weather bureau, walang umiiral na bagyo o low pressure area (LPA) at sa halip ay shear line at amihan ang naghahatid ng maulang panahon sa bansa.