-- Advertisements --
Bombo Radyo Handog Concert

Roxas City – Naging matagumpay ang isinagawang Handog ng Bombo Radyo at Star FM sa mga Capizeño Battle of the Band and Dance Showdown sa Capiz sa Capiztahan 2019.

Maaga pa lamang nagtipon na sa Capiz State University main campus covered gym ang libu-libong tagapanood para saksihan ang performance ng sampung dance groups, pitong banda at ang kakaibang performace ng mga personnel ng Bombo Radyo Roxas.

Mula sa pitong banda na sumali sa battle of the band ay nagkampeon ang grupong Cytoplasm, 1st runner-up ang Calixas at 2nd runner-up ang Chazikami.

Nakuha rin ng vocalista na si Edera Lopez ng Calixas band ang special award bilang Best Vocalist of the Year.

Sa panayam ng Bombo Radyo Roxas kay Lopez, sinabi nito na hindi niya inaasahan na siya ang mabibigyan ng nasabing award.

Ayon pa dito na matagal na siyang vocalista at marami na rin siyang sinalihan na mga national competition.

Samantala nagkampeon ang dance group na PRF Kids Iloilo sa Dance Showdown, 1st runner-up ang One Crew at 2nd runner-up naman ang King of Motion.

Nakatanggap ng P11,000 na cash at trophy ang nagkampeon sa Battle of the Bands na Cytoplasm, P10,000 at trophy naman ang natanggap ng PRF Kids Iloilo na nagkampeon sa kumpetisyon.

Habang P7,000 ang natanggap na premyo ng 1st runner-up at P5,000 sa 2nd runner-up at sa grupong hindi nakapasok sa Top 3 ay makakatanggap parin sila ng consolation prizes.