Nailipat na sa ibang lugar ang mga migrants at refugees na unang na-stranded sa border ng Poland at Belarus.
Libu-libong mga refugee at migrants ang sinubukang maabot ang European Union sa pamamagitan ng Belarus nitong nakalipas na araw.
Inakusahan ng European countries ang Belarus na sadyang lumikha ng krisis sa pamamagitan ng pagtulak ng mga tao mula sa Middle East na subukang tumawid sa mga hangganan sa Poland at Lithuania.
Ngunit pinabulaanan ng Minsk ang mga paratang.
Iniulat ng Belarusian state-run media noong Huwebes na maraming mga asylum seekers ang lumipat sa isang heated warehouse na hindi kalayuan sa border dahilan upang wala ng mga tao sa main camp.
Sa ngayon binabantayan ng mga Polish guards ang iba pang grupo na sinusubukang tumawid sa border.
Naghihintay na lang sila kung ano ang mangyayari sa mga susunod na oras.
Napag-alaman na napag-usapan na nila ni French President Emmanuel Macron at Russian Pres Vladimir Putin ang nasabing krisis.