-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Ilang mga residente ang lumikas sa nararanasang pagbaha sa probinsya ng Cotabato kagabi.

Ayon sa ulat ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management (PDRRM-Cotabato) na umapaw na ang ilog sa bahagi ng Brgy. Montay, Libungan, Cotabato dahil sa walang humpay na buhos ng ulan.

Nagresulta ito sa pagbaha sa mga mabababang bahagi ng lugar.

Ilang tahanan din ang pinasok na ng tubig-baha.

Pahirapan naman ang mga sasakyan sa pagdaan sa mga pangunahing kalsada sa lugar.

Sa ngayon, may mangilan-ngilang residente na ang lumikas dahil sa takot na lalo pang tumaas ang lebel ng tubig mula sa ilog.