-- Advertisements --
libya coast guard 2

Na-rescue ng mga coast guard sa Libya ang halos 290 na migrants mula sa sinasakyan nilang inflatable na bangka malapit sa kabisera ng Tripoli.

Ang western coast ng Libya ay nagsisilbing departure point ng libo-libong migrante na tumatakas mula sa kani-kanilang bansa na kumakaharap sa matinding krisis.

Ayon kay naval forces spokesman Ayoub Qassem, nasa kustodiya na ang mga nasabing migrante ng anti-illegal migration department.

“The illegal migrants were found clinging to shabby and broken boats. They were rescued by patrols of coastguards on two different vessels,” saad ni Qassem.