CAGAYAN DE ORO CITY – Inilarawan ng isang overseas Filipino workers ang tumama na malawakang pagbaha na naganap sa bansang Libya na ikina-sawi ng libu-libong katao.
Sa ulat ni Bombo International News Correspondent Jesus Roxas Jr na ito ang pinakamalaki at matindi na natural disaster na nangyari sa nasabing bansa.
Inihalintulad pa ni Roxas sa bagyong Yolanda na tumama naman sa Pilipinas ang nasabing trahedya sa Libya na kumitil rin ng maraming buhay ng katao noong taong 2013.
Naniniwala naman si Roxas na isang ipo-ipo na may dalang malakas na ulan ang tumama sa Derna City na isa sa mga coastal area sa nasabing bansa.
Ayon kay Roxas na nasira ang dalawang dam na nag-resulta ng baha na kumitil ng maraming buhay habang libo-libo pa rin ang nanawala.
Nagpasalamat naman si Roxas na wala silang natanggap na mga ulat na natanggap na may mga kababayang Pinoy ang nadamay sa nasabing trahedya.