-- Advertisements --

TRIPOLI – Inakusahan ng pinuno ng gobyerno ng Libya na si Fayez al-Sarraj ang kanyang karibal na si Khalifa Haftar ng pagtataksil ukol sa opensiba ng militar sa kabisera ng bansa na Tripoli.

Itinuloy kasi ng mga puwersang tapat sa Libyan commander ang kanilang pagsalakay sa kabila ng mga panawagang itigil na ang digmaan.

Sa isang televised adress, nagbabala si Sarraj sa isang “giyerang walang mananalo.”

“We have extended our hands towards peace but after the aggression that has taken place on the part of forces belonging to Haftar… he will find nothing but strength and firmness,” wika ni Sarraj.

Una rito, pinabagal ng mga tropang tapat sa Government of National Accord (GNA) ni Sarraj ang pagsulong ng mga pro-Haftar fighters.

Sa unang pagkakataon din ay naglunsad nitong Sabado ng air strikes ang GNA laban sa Libyan National Army (LNA) ni Haftar.

Kinumpirma naman ng mga pro-government forces sa Tripoli na pinuntirya nila ang mga tauhan ni Haftar sa pamamagitan ng “intensive strikes.” (AFP)