-- Advertisements --

Nakaligtas sa pananambang si Libyan Prime Minister Abdulhamid al-Dbeibah.

Naganap ang insidente habang pauwi ng ito ng bigla itong tambangan ng mga armadong suspek.

Nagtamo ng maraming tama ng bala ang sasakyan nito habang walang anumang galos ang Prime Minister.

Noong Marso 2021 ay itinalaga ito nong UN-backed Government of National Unity na naglalayong mapagkaisa ang nasabing bansa.