-- Advertisements --

Boluntaryong nagpakalbo ang lider at miyembro ng grupong People’s Alliance for Democracy & Reform (PADER) sa People Power Monument sa Quezon City ngayong araw ng Sabado, Disyembre 7.

Ito ay bilang pagpapakita umano ng kanilang suporta at pagtindig kay Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa gitna ng mga hamong kinakaharap ng kaniyang administrasyon.

Ibinahagi din ng grupo ang isang manifesto kung saan nangako ang mga ito ng kanilang commitment para makipagtulungan kasama ang taumbayan at pamahalaan para sa pagpapairal ng mabuting pamamahala, tiyakin ang mapayapang komunidad at magkaroon ng maunlad na hinaharap para sa sambayanang Pilipino.

Ginawa ng grupo ito sa gitna ng girian sa pulitika sa pagitan nina Pangulong Ferdinand Marcos Jr. at Vice President Sara Duterte. Kung saan ang pinakabago dito ay ang mga naging pahayag ng Bise Presidente laban sa Pangulo kung saan may inatasan na umano siyang isang indibidwal para patayin ang Pangulo, si First Lady Liza-Araneta Marcos at House Speaker Martin Romualdez sakaling siya ay patayin.