-- Advertisements --

ROXAS CITY – Ipinapaaresto na ng korte sa Capiz ang itinuturing na lider ng isang investment scam at mga kasama nito dahil sa umano’y paglabag nito sa batas.

Batay sa warrant of arrest na nilagdaan ni Judge Esperanza Isabel Deslate ng Regional Trial Court 6th Judicial Region Branch 19 sa Roxas City, nakasaad ang kautusang pagdakip kay Lourdes Bulaquiña Baarde.

Bukod sa kanya ipinapaaresto rin ang iba pa umanong miyembro ng Forex Investment scam na sina Rachel Chavez, Joel Domayan, Gerlinski Bravo at Rebecca Venturado.

Ayon sa hukom, nilabag ng mga akusado ang nilalaman ng Revised Penal Code kaya mahaharap ang mga ito sa kasong estafa.

Wala namang inirekomendang piyansa ang korte para sa mga ito.