-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO – Ni-raid ng pinagsanib na puwersa ng militar at pulisya sa pangunguna ng Criminal Investigation and Detection Group-Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (CIDG-BARMM) sa pamumuno ni Police Colonel James Gulmatico ang tahanan ng lider ng isang drug group sa probinsya ng Maguindanao.

Nakilala ang mga suspek na sina Teddy Biang na lider ng Biang Criminal Drug Group, mga tauhan nito na sina Albehi Biang, Morsid Samal at Siong Biang.

Ayon kay Maguindanao Police Provincial Director Colonel Ronald Briones, naglunsad ng joint law enforcement operation ang pinagsanib na puwersa ng CIDG-BARMM Maguindanao Field Unit na pinangunahan ni Police Major Esmail Madin, katuwang ang 33IB, 43SAC, 4SSAB, 22nd Mechanized Infantry Company, Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA)-BARMM at PNP-DEG sa Brgy. Bulod Sultan Sabarongis Maguindanao.

Nahuli ang mga suspek na may warrant of arrest dahil sa paglabag sa Section 11 Article 2 sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.

Narekober sa kuta ng mga suspek ang mga sumusunod:

  1. M4 Rifle with SN 956071
  2. Bushmaster Carbon
  3. M16 Rifle
  4. cal. 22 bolt action rifle
  5. Armscor Cal .45 pistol
  6. Colt Cal .45 pistol
  7. Springfield Armory Cal. 45 pistol
  8. Intratech Cal 9mm
  9. tatlong sachet na white crystalline substance na hinihinalang shabu at nagkakahalaga ng P3,000
  10. illegal drug paraphernalia
  11. drug money na P338,500
  12. apat na Baofeng commercial radio
  13. 161 improvised “Indian pana”
  14. 200 piraso ng bala ng m16
  15. 25 bala ng cal 45
  16. 10 bala ng 9mm
  17. 11 magazines ng M16

Ang operasyon ay bahagi ng Oplan Paglalansag Omega, Oplan Salikop at Oplan Pagtugis.

Ang mga suspek ay nakapiit na sa lock-cell ng CIDG-BARMM at nakatakdang sampahan ng mga kaukulang kaso.