CENTRAL MINDANAO – Binawian ng buhay ang pinuno ng Bangsamoro Islamic Freedom Fighters (BIFF-Karialan faction) sa lalawigan ng Maguindanao.
Kinompirma mismo ni Abu Sabaha na patay na si Shiekh Muhideen Animbang Endong alyas Kumander Kagi Karialan.
Matatandaan na kasama si Shiekh Endong sa mga tumiwalag sa Moro Islamic Liberation Front (MILF) at sumama sa binuong Bangsamoro Islamic Freedom Movement (BIFM).
Makalipas ang ilang taon ay tumiwalag si Kagi Karialan sa BIFM at bumuo ng pangalawang paksyon ng BIFF at itoy BIFF Karialan faction.
Ang BIFF ay may tatlong grupo, ang Toraife Group na pinamumunuan ni Shiekh Esmail Abdulmalik alyas Kumander Abu Toraife, Karialan faction at Bungos faction.
Sa tatlong grupo ay pinaka-radikal at may direktang ugnayan sa Islamic State of Iraq and Syria (ISIS) ang grupo ni Kumander Abu Toraife.