-- Advertisements --

Naaresto ng mga otoridad sa US ang isa sa mga lider ng pinakamalaking drug cartel sa mundo na si Ismael “El Mayo” Zambada.

Nasakote si Zambada ng mga US federal agent sa El Paso, Texas.

Ang 76-anyos na si Zambada ay siyang nagtaguyod ng criminal organization kasama si Joaquin “El Chapo” Guzman na kasalukuyang nakakulong sa US.

Kasamang naaresto ni Zambada ang anak ni Guzman na si Joaquin Guzman Lopez.

Noong Pebrero ay kinasuhan si Zambada ng US prosecutors ng conspiracy to make and distribute fentanyl ang droga na mas malakas pa sa heroin siyang isinsi sa crisis ng opioid sa US.