-- Advertisements --

Nakatakdang bumiyahe sa US ang military lider ng Kuwait na si Emir Sheikh Sabah al-Ahmad al-Sabah para magpagamot.

Sumailalim kasi sa operasyon noong Linggo ang 91-anyos na Kuwaiti ruler at kailangan pa ng karagdagang paggamot sa US.

Ayon sa kaniyang opisina, na ang pagtungo nito sa US ay para tuluyan na siyang gumaling.

Pansamantalang itatalaga naman na mamamahala ang kaniyang succesor na si Crown Prince Sheikh Nawaf al-Ahmed al-Sabah.

Noong nakaraang taon ay na-ospital na nito habang nasa US sa kasagsagan ng kaniyang state visit at sinasabing gumaling naman ito matapos ang ilang buwan.