-- Advertisements --

CENTRAL MINDANAO-Patay nang manlaban ang dating Barangay Chairman at naaresto ang apat nitong mga kasamahan sa inilunsad na law enforcement operation ng pulisya at militar sa lalawigan ng Maguindanao.

Nakilala ang nasawi na si Marcos Manunggal,dating Brgy Kapitan ng Barangay Tee Datu Salibo Maguindanao.

Arestado naman ang apat na tauhan ni Manunggal na sina Mike Guipal Badrudin,Nadia Kero,Arbaiya Bangkong Mustapha at Ali Ebrahim.

Nakatakas naman sina Datumanot Manunggal alyas Ratunot Tugyas at si Jaybee Mastura alyas Abu Naim.

Ayon kay Maguindanao Police Provincial Director Colonel Donald Madamba na ni-raid ng pinagsanib na pwersa ng Criminal Investigation and Detection Group-Bangsamoro Autonomous Region (CIDG-BAR),PDEA,Maguindanao PNP at Joint Task Force Central ang kuta ng mga suspek sa bayan ng Datu Salibo.

Nanlaban umano si Manunggal kaya nabaril patay ito ng mga otoridad.

Narekober sa posisyon ng mga suspek ang mga matataas na uri ng armas,pampasabog,mga bala at iba pa.

Sinabi ni CIDG Maguindanao Field Unit Commander, Police Major Esmail Madin na si Manunggal ay tumatayong pinuno ng Mangunggal Group na sangkot sa gun running,gun for hire,extortion,illegal drug trade AT pambobomba.

Ang mga suspek ay dating tauhan ni AKP leader Kumander Tokboy Maguid at ngayon ay nakipag alyansa umano ito kay BIFF-ISIS inspired group leader Kumander Abu Toraifie.

Sa ngayon ay patuloy na tinutugis ng militar at pulisya ang mga nakatakas na tauhan ni Manunggal.