CENTRAL MINDANAO-Nagbalik loob sa gobyerno ang isang mataas na lider ng mga terorista sa Central Mindanao.
Nakilala ang rebelde na si Khalid Kalaing alyas Kumander Khalid na Sub-Leader ng Dawlah Islamiyah Maguid Group.
Ayon kay 6th Infantry (Kampilan) Division Chief at Joint Task Force Central Commander Major/General Juvymax Uy na sumuko si Kumander Khalid sa tropa ng 7th Infantry Battalion Philippine Army sa Isulan Sultan Kudarat.
Dala ni Khalid sa kanyang pagsuko ang isang (1) M653 Colt rifle ,Isang (1) M16a1 Colt Rifle, isang (1) Cal. 30 M1 Carbine, Isang (1) M14 Rifle H&R Armsco, isang (1) Cal. 30 M1 Garand Springfield at apat (4) na magazine na may kasamang walumpo’t pito (87) na mga bala.
Sinabi ni 7th IB Commander Lieutenant Colonel Romel Valencia na sumuko si Khalid dahil sa pinaigting na operasyon ng Joint Task Force Central laban sa BIFF at mga ka-alyadong grupo kagaya ng Dawlah Islamiyah.
Pagod narin si Khalid,nagsisi,nagising sa mali niyang pinaglalaban at gusto nang magbagong buhay.
Sa ngayon ay pinoproseso na ng 7th IB at LGU-Sultan Kudarat ang tulong na ibibigay ng gobyerno sa mga sumukong rebelde.