-- Advertisements --
Nagpasya ang lider ng self-declared na Republic of Nagorno-Karabakh na hanggang ngayong taon lamang sila.
Inanunsiyo ni Samvel Shahramanyan na base sa kaniyang pinirmahang kautusan na kanilang bubuwagin ang estado pagdating ng Enero 1.
Ang nasabing rehiyon kasi na kontrolado ng Armenians ng tatlong dekada ay sinakop na ng Azerbaijan noong nakaraang linggo.
Mahigit sa kalahati ng ethnic Armenians populations ang lumikas sa lugar dahil sa pangamba sa kanilang buhay.
Kinikilala ng mga bansa ang nasabing rehiyon bilang bahagi ng Azerbaijan pero sinakop ito ng Armenia noong 1990 matapos ang pagbagsak ng Soviet Union.