LAOAG CITY – Pinalaya na ng Philippine National Police (PNP) ang itinuturong lider ng P2P investment scam na si Angelica Joyce Nacino, 22-anyos, may live-in partner at residente ng Brgy. Salet sa lungsod ng Laoag at tubong Pasuquin, Ilocos Norte.
Ito ay dahil nadismiss ang kasong robbery and extortion laban kay Nacino matapos pumirma ng affidavit of dessistance ang biktima na si Jamaica Tagalicud, 18-anyos at residente ng Brgy. 55 A Barit nitong lungsod.
Kung maalala ay nahuli si Nacino sa isinagawang entrapment operation ng PNP Laoag.
Samantala, hindi parin tumutigil ang ilang mga biktima na maibalik sa kanila ang milyon pera.
Dalawa dito sina Michelle Carmela Navarrete ng Brgy. 11, Laoag City at si Loren Melissa Corpuz, isa sa mga nagreklamo sa National Bureau of Investigation at residente ng Brgy. 10, Laoag City.
Ayon kay Navarrete, umaabot sa isang milyon ang balanse ng P2P at hindi pa naibabalik sa kanya habang si Corpuz at umaabot ng 1.6 million pesos ang nainvest niya kay Nacino.
Sa kabilang dako, iginiit naman nina Nicole Monroy, investor at Area Representative at si Angelica Tan, investor at nagtatrabaho sa opisina ng P2P na iniremit nila kay Nacino ang lahat ng mga pera.
Dagdag pa ni Jenevieve Dorotan na si Nacino ang nagsabi na susuhulan ang Bombo Radyo ngunit hindi tumatanggap ng suhol ang istasyon.