-- Advertisements --
zubiri1

Binigyang-diin ni Senate President Juan Miguel Zubiri na handa ang mataas na kapulunhan ng kongreso na sagutin ang mga katamungan at mga isyung bumabalot sa Maharlika Investment Fund Act.

Ito ay sa gitna na rin ng kautusan ng Korte Suprema na sagutin ng sangay ng ehekutibo at lehislatura ang petisyong nagpapadeklara sa MIF bilang unconstitutional o labag sa Konstitusyon.

Ayon sa Senate President, welcome sa kanila ang utos ng korte suprema na maghain na ng komento sa petisyon ang executive at legislative dahil ito naman ay bahagi ng judicial process.

Katunayan aniya ay inatasan na niya ang Senate Secretary na makipag-ugnayan sa Office of the Solicitor General kaugnay sa paghahanda at paghahain ng komento.

Igagalang din aniya nila sa Senado kung anuman ang kalalabasan o magiging desisyon dito ng kataas-taasanag hukuman.

Nanindigan naman si Zubiri na sumailalim ang Maharlika Investment Fund Act sa tamang legislative process at kumpyansang malalagpasan ng batas ang anumang pagbusisi ng hukuman at ito ay alinsunod sa saligang batas.