Ayaw nang makisawsaw pa ni Senate President Francis “Chiz” Escudero sa naging pagtatalo nina Vice President Sara Duterte at Senadora Risa Hontiveros.
Ito ay matapos ang naging mainit na sagutan kahapon nina VP Sara at Hontiveros habang binubusisi ang 2025 proposed national budget ng Office of the Vice President.
Gayunpaman, sinabi ni Escudero na mayroong valid na tanong si Hontiveros bilang bahagi rin ng mandato ng Kongreso na busisiin ang pondo ng mga ahensya ng gobyerno.
Nang matanong si Escudero kung makaaapekto ba ang desisyon ng Senado bilang institusyon sa magiging pondo ng OVP sa nangyaring sagutan nina VP sara at Hontiveros, aniya, hindi dapat ito haluaan ng emosyon.
Samantala, payo rin ni Escudero sa mga hepe ng mga tanggapan ng pamahalaan na magkaroon ng pasensya kapag sumagot sa tanong ng mga mambabatas dahil konektado ito sa tungkulin ng Kongreso.
Hindi na rin aniya kailangan pang paalalahanan ang mga ahensya na maging magiliw dahil mayroon namang mga chairman at vice chairman ng komite na mangangasiwa sa resource persons sakaling magkaroon ng isyu.
Buo naman ang tiwala ni Escudero sa chairman ng Committee on Finance na si Senadora Grace Poe na kakayanin niyang pangasiwaan ang iba’t ibang ahensya ng gobyerno.
Samantala, hinggil naman sa libro na “isang kabigan” na naging sentro ng pagtatalo nina VP Sara at Hontiveros na ipinapanukalang lagakan ng 10 milyong piso na pondo, sinabi ni Escudero na pagbobotohan naman ng mayorya ng mga senador kung tatanggalin o papanatilihin ang budget para rito.