Nilinaw ni Senate President Francis “Chiz” Escudero na sa kasalukuyan ay walang planong bawasan ang umiiral na bilang ng mga holiday sa bansa.
Ayon kay Escudero, ang polisiya ng Senado ay hindi dagdagan ang mga holiday, at hindi rin naman bawasan.
Ang pahayag ni Escudero ay bilang tugon sa iba’t ibang mga pagbatikos na kanyang natanggap sa naunang pahayag nito kung saan sinabi niyang lilimitahan nila ang pag-apruba ng mga lokal na panukalang batas sa holiday.
Ayon sa liderato ng Senado, sa kasalukuyan ay may 24 hanggang 25 holidays sa Pilipinas sa isang taon, hindi kasama ang mga suspensiyon sa trabaho dahil sa masamang kondisyon ng panahon.
Aniya, kung 22 araw lamang ang trabaho sa isang buwan, para aniyang may isang buong buwan na hindi nagtatrabaho ang mga manggagawa.
Layunin lang nila aniya na maging mas competitive ang Pilipinas.
Gayunpaman, sinabi ni Escudero na hindi prayoridad ngayon ng Senado ang usaping ito.