-- Advertisements --

KORONADAL CITY – Inaasahan na umano ni Koronadal City Mayor Eliordo U. Ogena na makukulong habang buhay si Pastor Joel Apolinaro, ang founder at mastermind ng Kabus Padatuon o KAPA ang itinuturing na largest investment scam sa bansa.

Itoa ng reaksiyon ni Mayor Ogena sa panayam ng Bombo Radyo Koronadal.

Ayon sa alkalde, napakaraming pamilya na naapektuhan, mga empleyado ng gobyerno at pribadong sektor, mga retired employees na sumugal sa Kapa at nagging dahilan pa ng pagpapakamatay ng ibang hindi matanggap na nawala ang kanilang mga ipon dahil sa pagbakasakaling domoble dahil sa 30% na interest na pangako noon ni Apolinado.

Aminado rin ang alkalde na maraming mga empleyado ng City hall noon at ibat-ibang ahensiya ng gobyerno sa Mindanao ang nag-invest sa KAPA maging ang kanyang asawa na huli na niya nalaman na nakapag-invest rin.

Dagdag pa nito, dapat maging lesson na ito sa lahat dahil ang pera ay pinaghihirapan at hindi lang nakukuha sa madaling paraan.

Sa ngayon, marami pa ring mga grupo na nanloloko gamit ang ibat-ibang stratehiya gaya ng Maharlika investment scam na ginagamit ang pangalan ng pulitiko.

Dapat umano na makinig sa mga kinauukulan upang hindi na maulit pa na maging biktima ng scam gaya ng KAPA.