-- Advertisements --

BACOLOD CITY – Dumating na sa India ang mga life saving equipments mula sa United Kingdom bilang sagot sa paghingi ng tulong ng nasabing bansa.

Sa ulat sa Bombo Radyo Bacolod ni Bombo correspondent Ramil Isogon direkta sa United Kingdom, dumating na sa India ang 495 na mga oxygen concentrators, 120 non-evasive ventilators at 20 mga manual ventilators na kinarga sa mga eroplano.

Ayon kay Isogon, ito ay matapos mananawagan ng tulong ang prime minister ng India sa iba’t ibang bansa sa buong mundo na padalhan sila ng tulong ngayong umakyat ang kaso ng COVID-19 at marami ang namamatay.

Batay sa impormasyon, nakiusap din ang mga doktor na miyembro ng British Association of Physicians of Indian Origin na binubuo ng humigit-kumulang 6,000 miyembro kay Prime Minister Boris Johnson na ituring na urgent ang panawagan na mga equipments ng bansa.

Nabatid na malapit ang UK at India sa kasaysayan at kultura.

Sa ngayon, maraming mga doktor na Indian origin sa UK ang patuloy na nakikiusap sa gobyerno na muling magpadala ng mga equipments sa India at kung maari, ang mga naka-standby na mga equipments ang ipahiram muna sa nasabing bansa.