-- Advertisements --
Binuksan na sa Nijigen no Mori amusement park sa Japan ang “life-size” Godzilla statue.
Ang nasabing rebolto na matatagpuan sa Awaji Island sa Kobe ay mayroong taas na 75 talampakan.
Ang mga park goers ay sasakay sa zip line at babagsak sa bunganga ng Godzilla.
Sa nasabing rebolto ay nakabaon ang katawan nito at tanging ulo lamang ang nakalabas.
Unang nakilala ang Godzilla sa pelikulang Gojira, salitang pinagsamang “gorilla” at “Kujira o butanding” na ipinalabas noong November 1954.
Mula ng ipalabas ito ay mayroon agad 9.6 million viewers sa ilang araw na ipinalabas.