-- Advertisements --
Itinayo ng isang artist ang life-size na rebolto ng namayapang NBA legend na si Kobe Bryant at anak nitong si Gigi.
Dinala ni Dan Medina ang 160-pound bronze figure sa Calabasas, Los Angeles kung saan bumagsak ang sinasakyang helicopter ng LA Lakers star.
Temporaryo lamang aniya nito inilagay sa lugar bilang pag-alala sa ikalawang taon na pagpanaw ng basketbolista.
Balak din nito na gumawa ng mas malaking rebolto na ilalagay sa LA.
Makikita sa ibaba ang rebolto ang mga pangalan ng mga kasama ni Bryant noong bumagsak ang sinakyan nilang helicopter.
Magugunitang bumagsak ang sinakyan nilang helicopter sa bulubunduking bahagi ng Calabasas noong Enero 26, 2020.
Patungo sana sila sa laro ni Gigi sa basketball game noong nangyari ang aksidente.