DAVAO CITY – Aabot sa 65,000 consumer ng Davao Light and Power Company Inc. ang eligible para sa Lifeline rate subsidy ilalim sa
Republic Act 11552 Act Extending and Enhancing the Implementation of the Lifeline Rate sa ilalim ng extension ng Republic Act No. 9136, o ang Electric Power Industry Reform Act of 2001.
Sinabi ng kumpanya na ang nasabing numero ay mula sa 475,000 customer na nag-apply simula Mayo 2, 2023 mula sa franchise area nito sa Davao City at ilang bahagi ng Davao del Norte.
Mas pinalawak pa nito ang saklaw ng lifeline subsidy na kinabibilangan ng mga benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program o 4Ps.
Dagdag pa nito, kailangan din muling mag-apply ang kasulukuyang gumagamit ng lifeline sa kanilang opisina bilang bahagi ng bagong guidelines. Layunin ng batas na iyon ay magbigay ng diskwento sa mga marginalized o low income na mga customer na kumokonsumo lamang ng 100 Kilo watts kada oras o mas kaunti pa.
Batay ito sa subsidy discount level na itinakda ng Energy Regulatory Commission (ERC). Sa kabilang banda, ibinunyag ni Margie Cabido, Pantawid Program Division Chief ng DSWD Davao na bukod sa Davao Light, nakikipag-ugnayan din ang tanggapan sa iba pang power companies sa rehiyon para maabot ang mahigit 250,000 pamilya na tinutumbok ng mga pamilyang isasama. sa lifeline.rate subsidy.
Dadaan muna ang mga aplikante sa isang mahigpit na proseso upang sila ay ganap na mabigyan ng nais na diskwento sa singil sa kuryente.