-- Advertisements --

ILOILO CITY – Hindi rin nagpahuli ang Iloilo City Government sa pagbigay ng reward sa first Filipino Olympic gold medalist na si Hidilyn Diaz.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo kay Iloilo City Mayor Jerry Treñas, sinabi nito na bilang pagkilala sa karangalan na ginagawa ni Diaz, magbibigay ang Iloilo City Government ng ‘free accommodations for two sa hotel’ sa lungsod kapag magsimula na ang face to face celebration ng Dinagyang Festival.

Bibigyan rin si Diaz ng lifetime free La Paz Batchoy at Pancit Molo na original Ilonggo delicacies.

Ayon sa alkalde, nararapat lang na bigyan ng karangalan si Diaz na nagsilbing inspirasyon ngayong panahon ng pandemya.