-- Advertisements --
facemask

Hindi inirerekomenda ng Department of Health ang lifting ng COVID-19 state of public health emergency dahil sa ang mga kaso sa ngayon ay hindi pa kontrolado.

Ang mga hospital din umano ay kinakailangan pang maging handa bago ang lifting nito.

“Kasi doon sa mga policies natin for public health emergency may mga nakaakibat na polisiya na kapag nilift natin hindi naman magagawa yung response katulad nung authority ng director general to issue out emergency use authority for our newer technologies para dito sa COVID-19 hindi natin yun magagawa pagnilift so lahat yan kailangan pinaghahandaan natin,” ayon kay DOH OIC Maria Rosario Vergeire.

Sa ngayon umano ay inevaluate pa at dahan dahan na sa transitioning ang bansa nang sa gayon ay kapag manageable na ang mga kaso at maayos ang polisiya ay maaari nang mairekomenda ang lifting ng ng state of emergency.

Kung matatandaan, March 2020 noong ideklaro ni dating Pangulong Rodrigo Duterte ang public health emergency dahil sa mabilis na pagkalat ng virus.