Mariing kinukundena ng lahat ng municipal mayors ng Lanao del Sur ang pananambang laban kay Governor Mamintal A. Adiong Jr. at sa kanyang mga kasamahan sa nangyari lng ambush kahapon ng February 17, 2023 sa Bayan ng Maguing, Lanao del Sur.
Ayon kay Atty. Dimnatang Pansar, President ng League of Municipal Mayors (Lanao del Sur Chapter), ang pag-atakeng ito ay hindi lamang laban sa kanila kundi sa moral ng mabubuting tao ng lalawigan.
Sa kanyang mensahe sa Press Conference ngayong araw sa Cagayan de Oro City ay mariin niyang hinihingi ang suporta at kooperasyon ng lahat ng stakeholders kabilang ang pamunuan ng Bangsamoro.
Nananawagan rin si Atty. Pansar sa national government na agad na ipatawag ang mekanismong pangkapayapaan na binubuo ng Armed Forces of the Philippines at ng Moro Islamic Liberation Front upang matukoy at mahuli ang mga salarin at makamit ang hustisya para sa lahat ng mga biktima at kanilang mga pamilya.
Hinihiling rin nito sa pamilya ng mga salarin na ipakita ang kanilang sinseridad para sa hustisya at tumulong upang mahuli ang mga salarin.