-- Advertisements --

CAGAYAN DE ORO CITY – Bumuo na ng resolusyon ang league of municipal mayor ng Bukidnon upang ideklara sa buong probinsya bilang persona-non-grata ang Communist Party of the Philippines (CPP) at maging ang armed wing ng partido, ang grupo ng New People’s Army (NPA).

Sa panayam ng Bombo Radyo kay 403rd commanding officer Brig. General Edgardo de Leon, sinabi nitong naging “horror” ang buhay para sa ilang mga municipal mayors matapos silang abusuhin at hingan ng revolutionary taxes ng mga rebelde.

Aniya, nananatiling mataas ang bilang ng mga conflict affected areas sa Bukidnon, kung kaya’t patuloy ang panghihikayat ng mga sundalo na magbuo nga resolusyon at mekanismo upang hindi na papapasukin sa kanilang lugar ang mga rebelde.

Una rito, pinagtibay naman ng Department of Justice Valencia City Bukidnon ang kanilang pagsasampa ng kaso laban sa mga NPA.

Nilinaw ni Atty Aldrich Uayan, prosecutor ng nasabing hukuman na maraming beses nang nilabag ng rebeldeng grupo ang International Humanitarian Law (IHL).

Kung kaya’t sa kanilang pagbisita sa mga conflict affected areas ay kaagad nilang nilagyan ng mga stickers at sign boards na hindi maaaring sunugin ng mga rebelde ang anumang pag-aari ng gobyerno at maging sa mga sibilyan dahil malaking violation ito sa IHL